
March 27 ------ Naging malaki ang papel ng musika sa buhay ni Sinagtala actress Glaiza De Castro na sinabing naging moral compass niya ito sa pagtahak ng kaniyang buhay. Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano para kay Glaiza ang papel ng kaniyang gitara at ng musika sa kaniyang buhay. Inamin ng singer-actress na ito ang nagsilbing inspirasyon niya at "moral compass" ng kaniyang buhay. “Especially when I was 16 years old na I was still trying to figure out what I wanted to do sa buhay ko. Parang nagsilbing moral compass ko siya kasi through music, ang dami kong natutunan sa buhay,” sabi ng aktres.
Saad pa ni Glaiza ay sa musika niya natutunan ang tungkol sa pag-empower sa sarili. Ipinahayag din ng aktres ang halaga ng mga pinapakinggan ng isang tao dahil ito ang nagbibigay ng inspirasyon “through the messages of the songs that I listen to and I am still listening to.” Inalala rin ng batikang host ang sinabi noon ni Glaiza na sa mga panahon na nasa pinakamababa siya, music ang nagsalba sa kaniya. Paliwanag ng aktres, “Yes. May mga pagkakataon po kasi na nadi-discourage tayo, nawawalan tayo ng pag-asa, personally, may time sa buhay ko na nawala 'yung lolo ko and then I took it really hard kasi lumaki ako sa kaniya and nakagawa ako ng kanta, kasama ng pinsan ko, para sa kaniya.”
Ibang mundo naman itinuturing ni Glaiza ang pagpunta niya sa mga underground music bars lalo na at malayo ito sa mundo ng telebisyon at pelikula na nakasanayan na. “'Yung mundo ng musika at 'yung mga lugar na pinupuntahan ko para makapanood ako ng live music, hindi ko siya makukuha sa mundo na ginagalawan ko,” sabi ng aktes. Nang klaruhin ng batikang host kung ang tinutukoy ba ni Glaiza ay freedom, sinabi ng aktres na “Yes.” “Makakapagsuot ako ng mga gusto kong damit, 'yung mga ganu'n. Kasi sa mga roles, or parang being a celebrity, you have to look a certain way e, you have to look presentable. But if I go to these places, okay lang kahit wala akong make-up, okay lang kahit naka-rubbershoes ako, okay lang kahit naka t-shirt ako or whatever that I feel like [wearing], I can express myself freely,” sabi ng aktres.
Source: gmanetwork.com
Comments