Comedian Babajie dies from pneumonia
- Balitang Marino
- May 5, 2020
- 1 min read

May 5 ------ Pumanaw sa edad na 35 years old ang komedyanteng si Babajie o Alfredo Cornejo Jr. sa tunay na buhay. Ayon sa naging ulat ng ABS-CBN News, pumanaw si Babajie nitong Lunes, May 4 sa San Lazaro hospital dahil sa pneumonia. Kinompirma naman ng malapit na kaanak ni Babajie ang malungkot na balita. Sa pamamagitan ng isang Facebook post. “Bakit? Maaga pa.. Bata ka ka pa.. Alam mo kuya na mahal na mahal kita.. Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nag turo sa akin mag business.. Ikaw madalas kong kasama.... Mamimiss kita.. I'm so proud of U lagi kita ipinag mamalaki. Queen Babajie Cornejo forever in our hearts. Kuya.. May you rest now...”bahagi ng post ng kaanak ni Babajie na si Cid Cornejo. Si Babajie ay napapanood sa gag show na “Bubble Gang” sa GMA. Nakalagak ang mga labi ni Babajie sa kanilang lugar sa Pasay City. Source: push.abs-cbn.com
Comentarios