top of page
anchorheader

Alice Dixson, tuluyan nang tinuldukan ang kuwento tungkol sa ‘taong ahas’

  • Writer: Balitang Marino
    Balitang Marino
  • Jul 27, 2020
  • 2 min read


July 27 ------ Makaraan ang tatlong dekada, tuluyan nang tinuldukan ng aktres na si Alice Dixson ang kwentong bumabalot sa likod ng umano’y taong-ahas sa isang sikat na mall. Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, sinimulang alalahanin ni Alice ang umano’y mga nangyari noong mga panahong iyon na mismong mga fans niya pa ang ang nagsabi sa kanya. Taliwas sa mga kumakalat na kuwento, hindi pala sa fitting room nagsimula ang usap-usapan kundi sa isang banyo na matatagpuan sa ika-apat na palapag ng Robinsons Galleria.


Ayon kay Alice, nagpapalit raw siya ng costume noon para sa ginagawa niyang pelikula nang bigla niya na lang binitawan ang salitang “Tuklaw” ng dalawang beses. Bagama’t hindi niya maalala ang eksaktong dahilan kung bakit niya ito sinabi, maaaring may kinalaman umano ito sa pelikulang “Tuklaw” ng kanyang lead actor sa “Dyesebel” na si Richard Gomez. Nang lumabas ang kuwento tungkol sa nasabing taong ahas, agad umanong pinabulaanan ito ni Alice ngunit nagpatuloy ang kuwento ng ilang buwan. Humantong siya sa iba’t-ibang teorya kung bakit nangyari ito at sinabing marahil naging dahilan ang proyekto ng mga mass communication students kung saan pinag-aralan ang kuwentong ito upang mas lalo pang umingay ang kuwento.


Isa pang nakikitang dahilan ni Alice ang kanyang pananahimik kung bakit lalong kumalat ang aniya’y chismis na ito. "In my defense, even before kahit ngayon 'pag mayroong hindi totoong rumor — if there’s something false that’s circulating — naniniwala akong hindi ko kailangang patulan. I don’t have to be defensive about it. Kaya that's one of my reasons why hindi ako nagkomento noon,” aniya. Upang pabulaanan ang mga kumakalat na chismis, nilinaw ni Alice na walang katotohahanan ang mga kumakalat na kuwento. “Nothing really happened. Nothing really happened in the way that the urban legend or the myth dictates. Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trap door. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas … papunta ng hotel,” aniya. Dagdag pa ni Alice: “Hindi din naman ako nabayaran ng 850 million at hindi rin nangyari iyong na-cut iyong pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself. Those things are all not true.”


Umaasa naman si Alice na ito na ang una at huling beses na magpapaliwanag siya tungkol sa nasabing urban legend. Ayon sa mga usap-usapan, bigla na lang nahuhulog sa mga fitting rooms ng mall ang mga babaeng natitipuhan ng “taong ahas” upang kainin ang mga ito at isa si Alice sa mga muntik nang mabiktima noon. Isa sa pinakasikat na kuwentong kumalat noon ay anak umano ng businessman na si John Gokongwei na si Robina ang nasabing nilalang. Isa daw si Alice sa muntik na maging biktima nito. Ayon kay Alice, tumawag ang Robinsons sa kanya ilang araw matapos lumabas ang bali-balita na namatay na ang “taong-ahas” upang kunin siya sa isang digital campaign ng Robinsons. Ngunit para kay Alice, baka “coincidence” lamang ito. Maaalalang noong taong 2018 ay lumabas si Alice sa isang patalatas tungkol sa “refurbished” na Galleria branch ng nasabing mall chain.


Source: push.abs-cbn.com



Comments


bottom of page