Tuesday, April 23, 2019 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| PHL down 1 spot in 2019 World Press Freedom Index | Easter blasts at Sri Lanka | Capesize Ships in Pain as Chinese Iron Ore Imports Drop | ‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik-Pilipinas na | Warriors score big win again | 1 USD = 52.04 PhP as of closing Apr 22, 2019|
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
Awra Briguela, masayang napagtapos ang ama
Photo Gallery
balitang-marino-awra-briguela-masayang-napagtapos-ang-ama.jpg
Awra Briguela, masayang napagtapos ang ama

April 15 ------ Proud son naman si Awra Briguela nang mag-post siya kahapon, Abril 12 sa kanyang Instagram na hindi naging balakid para sa kanyang ama ang edad at ngayon ay nakapagtapos na ito ng kolehiyo.

Malaking inspirasyon ito para sa batang aktor at sinabing, “Congrats papa! So proud of you! Sabi nga nila “It’s better than late, than never.’ Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!”

Pinuri naman ito ng radio host and talent manager na si Ogie Diaz at sinabing nakaka-inspire si Awra dahil natulungan niya ang kanyang ama na makapagtapos.

“Karaniwan nang kwento na ang magulang ay nakapagpatapos ng anak sa Kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsiyano), dahil napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo.  Congrats, Awra!!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon.”

Source: push.abs-cbn.com