Wednesday, May 22, 2019 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| Villar, Poe top Senate race in final tally | UK’s May tweaks Brexit deal | Zeaborn Contracts Korean Register, Verifavia for IHM Certification | Hollywood star Fanning faints because of ‘tight dress’ | Warriors back in NBA Finals | 1 USD = 52.47 PhP as of closing May 21, 2019|
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
Ian Veneracion, ikinagulat ang biglang pag-back out ni Patti Austin
Photo Gallery
balitang-marino-ian-veneracion-ikinagulat-ang-biglang-pag-back-out-ni-patti-austin-sa-kanilang-canada-tour.jpg
Ian Veneracion, ikinagulat ang biglang pag-back out ni Patti Austin sa kanilang Canada tour

May 16 ------ Ikinagulat ni Ian Veneracion ang biglang pag-back out ng Grammy-winning singer na si Patti Austin sa kanilang “Soul and Heart” Canada tour noong nakaraang linggo. Ayon sa report ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Mayo 15, sinasabing hindi raw nag-agree si Patti sa ilang details ng kanilang arrangements kaya nito piniling hindi sumipot sa show. Ikinalungkot naman ito ng kanilang producers. “As far as I know, she’s paid. With all due respect, we all know that she is professional and we are expecting her to at least have that respect and decency to tell us ‘I’m sorry’ or at least respect the audience,” ayon sa Backstage Ventures producer na si Marivic Monteverde.

Ngunit naging successful pa rin ang concert nang dahil kay Ian. Bagama’t aminadong kinabahan siya sa nangyari, pinili pa rin ng aktor at singer na i-push ang nasabing show para sa kanyang avid fans sa Canada. “Of course kinabahan ako kasi yun nga, I’m more of an actor than a singer naman talaga. When I learned na, I don’t know, she just flew off, it was going to be my show, oh my goodness,” ayon sa “Block Z” star. Aniya sa naging resulta ng concert, “Mafi-feel mo naman if they (fans) feel shortchanged. I didn’t feel that. They didn’t make me feel that at all.” Abril nang in-announce ni Ian na siya ay nakipag-team up kay Patti para sa “Soul and Heart” Canada tour na sinabing magkakaroon ng limang shows at magsisimula mula huling linggo ng Abril hanggang sa Mayo 4. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagre-release si Patti ng kanyang official statement hinggil sa nasabing pangyayari.

Source: push.abs-cbn.com