Wednesday, May 22, 2019 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| Villar, Poe top Senate race in final tally | UK’s May tweaks Brexit deal | Zeaborn Contracts Korean Register, Verifavia for IHM Certification | Hollywood star Fanning faints because of ‘tight dress’ | Warriors back in NBA Finals | 1 USD = 52.47 PhP as of closing May 21, 2019|
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
Sa gitna ng bangayan ng Barretto sisters, Dennis Padilla
Photo Gallery
balitang-marino-sa-gitna-ng-bangayan-ng-barretto-sisters-dennis-padilla-may-paki-usap.jpg
Sa gitna ng bangayan ng Barretto sisters, Dennis Padilla, may paki-usap

May 16 ------ Proud tatay ang actor comedian na si Dennis Padilla para sa mga biyayang dumarating ngayon para sa kanyang anak na si Julia Barretto. Kuwento ni Dennis, deserve lahat ni Julia ang blessings na dumarating sa kanya dahil sa pagiging mahusay nitong aktres. “Well I’m so proud, kasi ang talent niyan andyan na, hindi mo na kailangan turuan. Kahit hindi mo na i-workshop yan natural actress na ‘yan dahil sa side palang ng Tatay ko, ako, sa side palang ni Gretchen, Marjorie at Claudine, dugong artista talaga ‘yan,” tugon ni Dennis sa panayam ng PUSH. Hindi man daw madalas na nakakapag-kita, buong puso pa din daw ng suporta ni Dennis bilang ama sa tuwing kailangan siya ng mga anak.

“Well ako once in a while I text her (Julia), kasi sa edad niya kapag hindi siya masyado nag open up, hindi ko masyado kinakalkal. Ang ginagawa ko lang once in a while, once in a week, tini-text ko lang,” sabi pa ni Dennis. At sa panahon ng mga kontroberysa, aminado si Dennis na apektado siya ng hindi pagkakaunaawan nina Gretchen, Marjorie, at Claudine. “Actually naaawa din ako. Gusto ko sana na kahit na may tampuhan ang mga nakatatanda, sana ‘wag madamay ang mga magpipinsan ba,” ani Dennis. “Kasi ako ever since we got separated ‘yung mga anak ko sa una and mga anak ko kay Marjorie, na ano e imbis na ma-solidify, medyo napalayo nakakalungkot,” aniya pa.

At bilang tatay din, isa lang umano ang madalas na ipangaral ni Dennis sa kanyang mga anak. “‘Yun kasi lagi kong sinasabi sa mga anak ko noong maliliit pa sila na number one, na ayaw ko makirinig ng mention ng half-brother, half-sister, kasi I consider all of them as a whole,” tugon ni Dennis. “And I always tell them na one day, we will die and kayo lang ang magkakapatid. And I always mention na kapag mayroon kayong kapatid na gipit, huwag niyong antayin na humingi ng tulong, kayo ang pumunta at lumapit,” pahayag pa niya

Source: push.abs-cbn.com