Wednesday, December 19, 2018 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| Medical marijuana allowed in Philippines | Trump urges Kosovo to reach 'historic' deal with Serbia | Liner Industry’s Appetite for Scrubbers Grows | Calvin Abueva appears in Vice Ganda’s Boracay vlog | PH crowned overall champion in SEA | 1 USD = 53.07 PhP as of closing Dec 18, 2018 |
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
JC Santos sheds 12 kilos for his first international film
Photo Gallery
balitang-marino-jc-santos-sheds-12-kilos-for-his-first-international-film-motel-acacia.jpg
JC Santos sheds 12 kilos for his first international film ‘Motel Acacia’

December 6 ------ Inspired sa Filipino folklore ng kapre ang international horror film na pagbibidahan ni JC Santos, ang pelikulang Motel Acacia. Sa direksyon ng award-winning director na si Bradley Liew at may international cast, isang pangarap para kay JC na mapili para sa nasabing pelikula. "I'm living the dream, kasi it's like a theater process for me," sabi ni JC sa press conference noong December 4.

"It's amazing. And I'm with really great actors. Have you Googled their names, and read their IMDBs? So far it's an amazing feeling that I am working with a lot of great actors," dagdag ni JC na tinutukoy ang mga kapwa aktor na makakasama niya. Bukod kasi kay Agot Isidro, kabilang ang mga foreign actors na sina Will Jaymes, Talia Zucker, Jan Bijvoet, Nicholas Saputra, Bront Palarae, at Vithaya Pansringarm sa pelikula.

Ayon kay JC, matagal na siyang pinili ni Direk Bradley para sa proyektong ito. "Three years ago pa sinabi sa akin ni Bradley... Sabi ko nga, wow, first time na may offer na hindi ako ang second choice. "Habang ginagawa nila (Bradley Liew at Bianca Balbuena) yung script, habang dine-develop yung script, laging sinasabi sakin ni Bianca na, 'Ikaw ang iniisip ni Bradley dito,'" pahayag ni JC Santos sa interview ng PUSH.

Dagdag pa ni JC, dumaan siya sa matinding pagpapayat para lang umakma ang katawan sa magiging karakter niya sa pelikula.  "Nakita niya (Director Bradley Liew) lang ako last year, sabi niya, 'I want you to be skinny, because I want you to look hungry.' So nagpapayat ako, so I lost 12 kilos just for this film. "Nagstart ako nung August 2016 to ngayon. So I keep checking my food, inaabangan ko siya lagi kasi baka kumakain nako ng marami, tapos maraming maraming supplements." Kasalukuyang nagshu-shooting ang buong cast dito sa Pilipinas. Nakatakda rin silang lumipad papuntang Slovenia sa February sa pagpapatuloy ng shooting.

Source: push.abs-cbn.com