Wednesday, July 24, 2019 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| We are our own enemy | Monsoon toll tops 650 as rains unleash flood fury in South Asia | Fairly Modest Growth Expected in Asia-Med Trade | Celebrities console Bea Alonzo | Tim Duncan rejoins San Antonio Spurs as Popovich assistant coach | 1 USD = 51.87 PhP as of closing July 22, 2019|
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMF
Photo Gallery
balitang-marino-aga-muhlach-vice-ganda-kris-aquino-at-vic-sotto-magbabanggaan-sa-mmff.jpg
Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

July 11 ------ Inihayag na ang unang apat na opisyal na pelikulang kalahok sa pagbubukas ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong darating na kapaskuhan. Fresh at bagong tambalan ngayon ang aabangan ng mga manonood sa pagsasama-sama ng mga artista sa taunang film fest. Sa officials Facebook page ng MMFF, pormal nang ipinakilala ang una sa apat na kalahok dito.

Una na dito ang pelikula ng ABS-CBN Films at Viva Films na Momaland ni Vice Ganda ay Anne Curtis sa direksyon ni Barry Gonzales Pasok din sa unang apat ang pelikula ng APT Entertainment at M-Zet Productions Mission Unstapabol: The Don Identity ni Vic Sotto at Maine Menoza sa direksyon ni Linnet Zurbanno. Bahagi din ang Miracle In Cell #7 ng VIVA Films na pagsasamahan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa direksyon ni Nuel Naval. At ang muling pag babalik ng binansagang horror queen na si Kris Aquino sa pelikula ng Quantim Films na K-Ampon kasama si Derek Ramsay sa direksyon ni King Palisoc. Inaasahan na sa darating mga lingo, ihahayag na ang huling apat na pelikulang kukumpleto sa mga pelikula ng 2019 MMFF.

Source: push.abs-cbn.com