Tuesday, April 23, 2019 | Cloudy skies with moderate to occasionally heavy rains which may trigger flashfloods & landslides will be experienced over Ilocos region and the provinces of Batanes, Benguet, Zambales, Bataan & the islands of Babuyan.| PHL down 1 spot in 2019 World Press Freedom Index | Easter blasts at Sri Lanka | Capesize Ships in Pain as Chinese Iron Ore Imports Drop | ‘Miss Saigon’ actor Gerald Santos balik-Pilipinas na | Warriors score big win again | 1 USD = 52.04 PhP as of closing Apr 22, 2019|
SITE SEARCH
TOP STORIES >> Entertainment News
Jessy Mendiola reacts to basher calling her a boyfriend stealer
Photo Gallery
balitang-marino-jessy-mendiola-reacts-to-basher-calling-her-a-boyfriend-stealer.jpg
Jessy Mendiola reacts to basher calling her a boyfriend stealer

April 16 ------ Bagamat matagal nang magkarelasyon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay hindi pa rin sila tinigilan ng mga bashers.  Pero di na nakapagpigil si Jessy at deretsahan na rin silang sinagot ng aktress. Isang netizen ang nagsabing marahil ay gusto ng kanyang bashers na sabihin niyang inagaw niya si Luis sa dati niyang girlfriend na si Angel Locsin. “Baka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si Luis kay Angel before, para matahimik na sila sa pamba-bash sa inyo. Ang tao minsan, hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutchada nila. Isang malaking sagot [ibigay] mo sa kanila at na sa tao na if maniniwala or hindi, pero in the end matatahimik na sila kasi may closure na, e,” ani ng netizen sa Instagram.

Napansin naman ito ni Jessy at sinabing wala siyang dapat aminin dahil hindi naman totoo ang isyung ito. “Bakit ako aamin ng hindi totoo? ‘Yung mga basher, hindi nila alam ang totoong nangyari. Bakit ako aamin, para lang tumigil sila? Para lang matahimik sila?” aniya. “Ang basher kahit ano’ng sabihin mo, hindi nila tatanggapin ‘yun. Ilang beses ko nang sinagot sa mga interview noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi,” dagdag pa ng aktres. Sinabi rin ni Jessy na masaya na silang lahat sa kani-kanilang mga buhay. “Kaya dapat ipasa-Diyos na lang ‘yan, nakikita naman niya ang lahat. Good vibes lang, let go mo na ‘yang issue na ‘yan. Happy na kaming lahat.”

Unang naghiwalay sina Luis at Angel noong 2009 at nagbalikan noong 2014. Naghiwalay ang dalawa noong 2016 at matatandang noong Enero ng taong iyon ay inamin ng The General’s Daughter star na inaayos nila ni Luis ang kanilang relasyon. June 2016 naman ay isinapubliko na ni Luis ang relasyon nila ni Jessy. Marami ang umalma at sinabing “inagaw” ng aktres si Luis ngunit iginiit ng TV host na limang buwan na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila ni Angel bago pa magig sila ni Jessy. Sa ngayon ay masaya rin si Angel sa kanyang relasyon sa film producer na si Neil Arce.

Source: push.abs-cbn.com